ANG KAPANANGAKAN NI ENGR. ARMANDO MAGTALAS BALAJADIA

Ang Pagsilang Niya:

Si Armando Magtalas Balajadia ay isinilang noong Abril 23, 1970 bandang 10:30 ng gabi sa Philippine National Railway Hospital (PNR) sa Caloocan, Rizal, Pilipinas. Ang kanyang ina na si Rosario Magtalas Balajadia ay dinala sa ospital noong Abril 9, 1970 dahil sa ang kanyang sinapupunan ay humahapdi at sumasakit. Ang PNR Hospital ay may layo lamang na 100 na metro mula sa bahay ng kanyang lolo at lola. Siya ay na-ospital ng ilang araw doon. Salamat sa Diyos at si Armando ay isinilang noong Abril 23, 1970 kundi ang manggagamot ng kanyang ina (si Dr. Guillerma Naval Shahagun ng Malabon, Rizal, Pilipinas)ay mapipilitang operahan ng Cesarian ang kanyang ina. Higit na masakit kung ang kanyang ina ay mararanasang maoperahan ng Cesarian. Halos umabot ito ng dalawang linggo bago siyang magsilang. Ito ang unang pagsilang ng kanyang ina kaya napakasakit at napakahapdi sa kanya.

Dahil ang kanyang lolo na si Juan Guevarra Balajadia ay matagal nang empleyado sa PNR Hospital, ang ospital ay nagbigay ng diskwento sa mga babayarang halaga. Ang PNR ay pag-aari ng pamahalaan kaya ang PNR Hospital ay pampublikong pagamutan. Gaya ng nabanggit kangina na ang manggagamot ng kanyang ina ay si Dr. Guillerma Naval Shahagun. Si Dr. Guillerma Naval Shahagun ay kaibigan ni Dr. Sergio Darlucio Vargas. Si Dr. Sergio Darlucio Vargas ay pinsan ng lola ni Armando na si Gregoria Darlucio Vargas.

Habang ang kanyang ina ay nasa pagamutan ng ilang araw, siya ay nanonood ng telebisyon sa kanyang silid tuld ng Hawaii Five-O, Let's Sing With Pilita, The Partridge Family, Bewitched, I Dream of Jeannie, atbp. Ang kanyang mga kamag-anak, mga pamilyang Magtalas at Balajadia ay nagdadasal at nagpadala sila ng mga panalangin sa mga simbahan tulad ng San Gabriel Catholic Church at San Roque Parish Church. Nang matapos na magsilang ang kanyang ina, ang kanyang mga kamag-anak ay tuwang-tuwa at nagpasalamat sila ng husto sa Diyos dahil si Armando at ang kanyang ina ay nasa maayos na kalagayan. Dahil sa ang buwan ay buo, halos ang buong kapaligiran ay napakaliwanag at ang sabi ng iba na si Armando ay magiging mapalad na tao dahil sa siya ay isinilang na ang buwan ay buo.

Lahat ng kanyang kamag-anak ay parating dumadalaw sa kanyang ina lalo na ang kanyang ama, lolo, at lola. Dinadalaw din siya sa Nursery Area. Pagkalipas ng isang linggo, noong Abril 30, 1970, si Armando at kanyang ina ay lumabas na sa pagamutan. Pagkatapos, sila ay tumira sa bahay ng kanyang lolo at lola (sa panig ng kanyang ama) sa 188 Samson Road, Caloocan, Rizal. Ang kanyang ama ay pumunta kaagad sa Pamahalaang Bayan ng Caloocan, Rizal para ipa-rehistro ang pagsilang niya sa tulong ng PNR Hospital at ni Dr. Guillerma Naval Shahagun.

Noong Abril 20, 1970 (tatlong araw bago siyang isilang), nabanggit ng kanyang mga kamag-anak na lumindol din bandang 2:30 ng hapon at ang lakas ng lindol ay 6.5 sa Maynila. Salamat sa Diyos at ang gusali ng pagamutan ay hindi nasira at walang nasaktan sa lindol. Ang pagputok ng Bulkang Taal ang dahilan ng paglindol. Ang kanyang ina ay napakanerbiyos noong araw na iyon kaya napadali sa kanya iyong pagsilang niya.

Ang Kanyang Mga Magulang:

Ang kanyang ama, si Alfredo Darlucio Balajadia, at ang kanyang ina, si Rosario Samson Magtalas, ay magkapitbahay sa kanilang pook. Ang kanyang ama ay nakatira sa 188 Samson Road, Caloocan, Rizal kasama ang kanyang pamilya samantala ang kanyang ina ay nakatira sa Malonzo Street sa Caloocan, Rizal din kasama ang kanyang mga pinsan na sina Leticia Ignacio at Lydia Ignacio Umali pati ang kanyang asawa na si Feliciano Umali. Ang kanyang ama ay nagtatrabaho sa Comtrust Bank (naging bahagi din ng Bank of Philippine Islands sa bandang huli) bilang empleyado ng bangko ng sangay ng Escolta sa Santa Cruz, Maynila habang ang kanyang ina ay nagtatrabaho sa US Tobacco Corporation bilang tagabilot ng sigarilyo sa Port Area, Maynila. Ang kanyang ina ay nagtungo sa Kahakhang Maynila sa Caloocan, Rizal upang maghanap ng higit na kinabukasan para masuportahan ang kanyang pamilya sa Baliuag, Bulacan. Ang kanyang mga magulang ay naging matalik na magkaibigan at magkasintahan sa loob ng halos limang taon. Nagyari ang hindi dapat mangyari noong Hulyo 14, 1969 bandang 9:00 ng gabi nang ang kanyang ina ay nagkaroon ng lagnat at walang tao sa kanilang bahay. Ang kanyang ama ay dinalaw siya noong panahon na iyon. Dahil sa malakas na bagyo at ulan, ang kanyang ama ay nagpasyang matulog doon. Nang mabuntis ang kanyang ina, sila ay nagpakasal noong Agosto 9, 1969 bandang 6:00 ng gabi sa San Agustin Church sa Baliuag, Bulacan. Kung sa bagay, ang kanyang mga magulang ay nakatakda na ang kanilang kasal kahit hindi pa buntis ang kanyang ina sapagkat sila ay nagmamahalan sa loob ng halos limang taon at ang kanilang relasyon ay talagang napakatibay hanggang ngayon.

Balik sa Pangunahing Pahina