ANG PAGLALAKBAY SA CARSON CITY, NEVADA, AMERIKA

Q: Narinig namin na nagpunta ka nga ba sa Carson City, Nevada?

A: Oo, nagpunta ako sa Carson City, Nevada dahil ibig ko ring makita ang lugar na iyon. Sa totoo lang, marami pang mga pook na mapupuntahan pa sa Nevada hindi lamang sa Reno, Nevada at Las Vegas, Nevada na napuntahan ko na.

Q: Pangunahing lugar din ba ang Carson City, Nevada sa Nevada?

A: Oo, siyempre naman. Ito ang kabisera ng Nevada. Ang Carson City, Nevada ay matao ring pook katulad sa Reno, Nevada at Las Vegas, Nevada. Ito rin ang pangunahing pook para sa minahan ng ginto at pilak. Maraming mga turista doon lalo na iyong mga mahilig sa mga makasaysayang pook at museo. Marami ding mga hotel at pasugalan doon sapagkat ang Nevada ay kilalang estado sa pasugalan. Ang Carson City, Nevada ay may layong 30 milya mula sa Reno, Nevada at malapit rin sa Lake Tahoe. Kailangan mong dumaan sa I-80 maging sa kanluran o silangan at dumaan sa katimugan ng Highway 395. Maaari ka ring dumaan sa kanluran ng Highway 50 mula sa I-80 sa Sacramento Area. Kung ganoon, hindi mahirap hanapin at puntahan ang pook na ito.

Q: Kamusta kaya ang panahon doon sa Carson City, Nevada?

A: Ah, ang temperatura doon ay maganda sa ngayon sapagkat ang temperatura doon ay 95°F tuwing araw at 50°F tuwing gabi kapag panahon ng tag-init. Ito ang pinakamagandang panahon na pumunta doon sapagkat kapag panahon ng taglamig, ang buong pook ay matatakpan ng makapal na snow at ito ay napakalamig. Kung ikaw ay pupunta sa Carson City, Nevada kapag panahon ng taglamig, kailangan mong maglagay ng snow tire o snow chain sa iyong kotse sapagkat ang mga freeway at kalsada ay napakadulas. Batas din sa Nevada na maglagay ng snow tire o snow chain sa iyong kotse kapag ikaw ay magmamaneho doon tuwing panahon ng taglamig.

Q: Anu-ano ba ang mga magagandang tanawin sa Carson City, Nevada?

A: Ang mga magagandang tanawin sa Carson City, Nevada ay ang mga sumusunod na napuntahan namin:

Q: Kailan ka ba nagpunta sa Carson City, Nevada?

A: Nagpunta ako sa Carson City, Nevada noong Setyembre 13, 2008 kasama ko si Dr. Jun Olaņo, ang dating kong kaguro sa De La Salle University at ang kanyang maybahay na si Carmi. Nagtungo ka doon sa pamamagitan ng pgmamaneho ng malayo mula sa Hercules, California sa loob ng 4 na oras. Pumunta kami sa Lake Tahoe muna sapagkat malapit na ito sa Carson City, Nevada. Pagkatapos nito, pumunta kami sa karatig o katabing lungsod nito, kundi ang Virginia City, Nevada. Ang Vriginia City, Nevada ay talagang makasaysayang pook sa Nevada dahil ang kanyang bayan ay mukhang koboy ang ayos nito. Maraming mga makasaysayang building at establisimiyento noon pang 1800 na hanggang sa ngayon ay nagnenegosyo pa sila. Kaming lahat ay nasiyahan sa aming paglalakbay sa loob ng isang araw.


Q: Nagpunta ka ba sa mga pasugalan doon pagkatapos mong maglakbay?

A: Ikinalulungkot ko, wala kaming sapat na oras para magtungo kami sa mga pasugalan sa Carson City, Nevada at Virginia City, Nevada sapagkat wala kaming sapat na oras para magtungo doon at lahat kami ay inaantok na, pagod na, at kailangan na naming magpahinga. Kung gusto mong makita ang pinakalumang slot machines sa Nevada, kailangan mong pumunta sa Nevada State Museum and Mint. Makikita mo doon ang pinakalumang slot machines na mas maliit pa ito sa kasalukuyang slot machines at pinaandar ito ng manuwal.

Q: Irerekomenda mo ba iyong lungsod ng Carson City, Nevada at Virginia City, Nevada kahit kangino?

A: Oo, siyempre naman. Irerekomenda ko kahit kangino na magpunta rin sila doon sapagkat ang lungsod ng Carson City, Nevada at Virginia City, Nevada ay mga magagandang pook na mapapasyalan lalo na sa mga gustong makarating sa mga makasaysayang pook.

Balik sa Pangunahing Pahina