ANG KABATAAN NI ENGR. ARMANDO MAGTALAS BALAJADIA

Q: Marami ka bang mga ala-ala noong kabataan mo?

A: Oo, siyempre dahil ang mga kamag-anak at magulang ko ay mahal na mahal nila ako. Binili nila ako ng mga magagandang damit sa Escolta, Maynila, Pilipinas. Binili rin ako ng mga imported na kendi ng lolo at lola ko. Pinakain ako ng nanay ko ng mga masasarap na pagkain at cereals lalo na iyong Cerelac o Gerber. Binili ako ng tatay ko ng maraming bitamina. Palagi din akong nagpapa-check-up sa mga doktor tulad nina Dra. Guillerma Naval at Dr. Sergio Vargas. Hindi ako hinayaang makagat ng lamok ng mga magulang ko. Palagi nila akong inaalagaan ng may pagmamahal.

Q: Memorable ba ang mga kaarawan mo?

A: Oo siyempre naman, mga memorable din ang mga kaarawan ko. Taun-taon, palagi akong may mga lobo, cake, at sorbetes. Binili nila ako ng mga lobo sa Paras Balloons, binili nila ako ng cake sa Jo-nis Bakeshop, at binili nila ako ng Magnolia Ice Cream sa Tropical Hut Grocery. Ang una kong kaarawan ay ginawa sa bahay ng lolo at lola ko (mga magulang ng tatay ko) sa 188 Samson Road, Caloocan, Rizal, Pilipinas.

Ang ikalawa kong kaarawan ay ginawa sa bahay ng lolo at lola ko (mga magulang ng tatay ko) sa 188 Samson Road, Caloocan, Rizal, Pilipinas.

Pagkatapos ng aking kaarawan, nagtungo kami sa Luneta Park (ngayon ay Rizal Park) sa Ermita, Maynila.

Ang ikatlo kong kaarawan ay ginawa sa bahay ng lolo at lola ko (mga magulang ng nanay ko) sa San Roque, Baliwag, Bulakan, Pilipinas.

Q: Sabi nila na ikaw ay isang sutil na bata, hindi ba?

A: Oo, isa akong sutil na bata noon dahil nag-iisa akong anak ng mga magulang ko at binibigay nila sa akin ang mga bagay na ibig ko. Dinala nila ako sa Luneta Park at Children's Playground sa Ermita, Maynila, Pilipinas kung may oras pa ang mga magulang ko, lolo at lola ko, at mga kamag-anak ko. Kahit ako ay isang sutil na bata noon, binibigyan ako ng mga magulang ko ng paaalala at tinuturuan nila ako ng kagandahang asal at ugali gaya ng paggalang sa mga magulang, sa lolo at sa lola, at maging sa mga matatanda.

Q: Ano ba ang iyong paboritong pagkain noong bata ka pa?

A: Ah, ang mga paborito kong pagkain noong bata pa ako ay ang mga sumusunod: Magnolia Fresh Milk sa bote, Magnolia Choco Vim, Sarsi (Rootbeer), M and M chocolates, Tootsie Roll, Sunkist Orange Juice sa tetrapack, Skyflakes biscuits, Fita Biscuits, Pacitas Butter Cookies, atbp.

Q: Anu-ano ang iyong mga paborito mong nga laruan noong ikaw ay isang bata?

A: Mga baril, mga de-bateryang kotse at jeep, mga manika, mga matchbox, mga eroplano, mga gamit sa bahay at kusina, mga laruang Tupperware, at mga bisikleta.

Q: Memorable ba ang iyong bahay kung saan kang lumaki?

A: Oo siyempre naman. Una, natira kami sa bahay ng lolo at lola ko (mga magulang ng tatay ko) sa 188 Samson Road, Caloocan, Rizal, Pilipinas mula 1970 hanggang 1974. Ang mga magulang ko, lolo at lola ko, at mga tiyahin ko ay ang mga taong nag-alaga sa akin. Sa bandang huli, lumipat na kami sa apartment ni Atty. Alipio Nuqui na matatagpuan sa 116 Gen. San Miguel St., Sangandaan, Caloocan City, Pilipinas mula 1974 hanggang 1993. Si Dr. Sergio Vargas, ninong ng tatay ko at pinsang buo ng lola ko ay kaibigan ni Atty. Alipio Nuqui at dahil sa may bakanteng unit sa kanyang apartment, sinabihan siya ng lolo ko na ipagtabi ng isang unit upang kami ay makalipat kaagad. Lumipat na kami sa isang apartment na may dalawang kuwarto upang kami ay magkaroon ng pribadong lugar mula sa mga kamag-anak namin. Maraming mga taong nagsasabi sa amin noon na mahirap makitira sa mga kamag-anak lalo na kung ikaw ay ikinasal na. Ibig ng nanay ko na umiwas sa mga tsismis at intriga mula sa kanyang nga biyenan, bayaw, at hipag niya at ito ang pinagmumulan ng away ng mga magulang ko.

Q: Ang mga tindahan ba ay malapit sa inyong lugar?

A: Oo, ang bahay namin ay malapit sa mga tindahan tulad ng Merced Drug Store, Mercury Drug Store, Sangandaan Public Market, Da Best Mart, 680 Department Store, mga hardware, at mga panaderya. Makakarating ako sa mga tindahan sa pamamagitan ng paglalakad at hindi mo nang kailangang sumakay sa mga pampublikong sasakyan tulad ng jeepney, at iba pa. Salamat sa Diyos at malapit sa bahay ang mga tindahan doon. Ito ay malaking biyaya sa aming pamilya.

Q: Nalaman namin na ikaw ay nagtungo sa Baguio City kasama ang iyong pamilya, hindi ba?

A: Oo, nagtungo kami sa Baguio City noong 1975 kasama ko ang aking pamilya. Sa totoo lang, ang kaibigan ng tiyahin ko (Estelita Samson Magtalas) na si Mr. Ompong Ocampo na siyang manager ng Universal Textile Mills o UTex sa Barangka, Marikina, Rizal, Pilipinas ang magbigay sa amin ng pasyal doon para sa amin. Tumuloy kami sa Hyatt Hotel sa loob ng tatlong araw. Ang tiyuhin ko, si Alfonso Samson Magtalas, Jr. at ang kanyang pamilya ay dating mga taga-roon at binigyan din nila kami ng pasyal doon. Ito ang kauna-unahang kong pagtungo sa Baguio City, Pilipinas at hindi ko makakalimutan ang mga ala-alang ito.

Balik sa Pangunahing Pahina