ANG PAGLALAKBAY SA PHOENIX, ARIZONA, AMERIKA

Q: Narinig namin na ikaw ay nagtungo sa Phoenix, Arizona, hindi ba?

A: Oo, nagtungo kami sa Phoenix, Arizona noong Nobyembre 14-16, 2008 kasama ko ang mga dati kong co-professors sa De La Salle University tulad nina Dr. Jun Olao at ang kanyang maybahay na si Carmi. Napagkasunduan na namin na magtungo doon sapagkat ang Phoenix, Arizona ay isa ring kilalang pasyalan ayon sa mga tao dito.

Q: Gaanong kalayo ang Phoenix, Arizona mula sa inyong lugar sa Daly City, California?

A: Ah, ang Phoenix, Arizona ay may layong 760 na milya mula sa Daly City, California. Kung ikaw ay magmamaneho, ang oras na paglalakbay ay may 12 hanggang 13 na oras depende sa situasyon ng trapiko at panahon. Kung ikaw ay manggagaling sa West Coast Area, kailangan mong dumaan sa I-280 North, US-101 North, I-80 East, I-580 East, I-5 South, I-210 East, at I-10 East. Kung ikaw ay manggagaling sa East Coast Area, kailangan mong dumaan sa I-80 West, I-15 South, at I-10 East.

Q: Narining namin na ang Phoenix, Arizona ay kilala ring pook sa Amerika, hindi ba?

A: Oo, ang Phoenix, Arizona ay kilala ring pook sa Amerika dahil sa may mga magagandang bundok, Joshua trees o cactus, at mga disyerto. Ang Phoenix, Arizona ay isa ring pasyalan lalo na kapag panahon na ng tag-init. Kapag panahon ng tag-init, ang buong pook ay talagang napakainit dahil sa may mga disyerto. Ang temperatura doon kapag tag-init ay umaabot sa 120F.

Q: Nasiyahan ka ba sa pamamasyal at paglalakbay sa Phoenix, Arizona?

A: Oo, Ibig ko talagang magtungo sa Phoenix, Arizona. Sa totoo lang, ito ang una kong pagtungo doon. Sina Dr. Olao at ang kanyang maybahay na si Carmi ay napagkasunduan na magtungo doon sapagkat marami sa kanilang mga kaibigan na nakapagsabi na ang Phoenix, Arizona ay maganda ring pasyalan lalo na sa mga ibig nilang maglakbay sa mga bundok at disyerto. Marami na kaming napasyalan na tourist spots doon at nagkunan kami ng mga litrato. Nagtagal kami ng 3 araw doon at tumira kami sa Comfort Inn. Umalis kami ng maaga mula sa Hercules, California noong Nobyembre 14, 2008 bandang 6:00 ng umaga at nakarating kami doon ng 9:30 ng gabi. Napansin namin na oras sa Arizona ay may isang oras na dagdag mula sa California sapagkat ang Arizona ay kabilang sa Mountain Standard Time (MST). Kapag Daylight Saving Time Period, ang estado ng Arizona ay hindi nagpapatupad ng Daylight Saving Time kaya ang oras sa California ay pareho din sa Arizona.

Q: Anu-ano ang mga magagandang tanawin sa Phoenix, Arizona?

A:Ah, ang mga magagandang tanawin sa Phoenix, Arizona ay ang mga sumusunod na napasyalan namin:

Q: Kamusta ang lagay ng panahon diyan sa Phoenix, Arizona?

A: Ah, ang temperatura doon ay 75F. Salamat sa Diyos na ang pook na ito ay hindi gaanong kainit sapagkat kapag tag-init, ang temperatura doon ay umaabot hanggang 120F. Dahil sa ang Phoenix, Arizona ay lugar ng disyerto, ang buong pook ay hindi nagkaroon ng snow kahit kapag taglamig. Nabanggit kong una na ang Phoenix ay kilala ring pasyalan kahit na ang temperatura doon ay 120F kapag panahon ng tag-init. Hindi ka masyadong papawisan doon sapagkat ang humidity doon ay mababa. Karamihan sa mga tao doon ay laging umiinom ng tubig upang sila ay hindi palaging pagod.

Q: Irerekomenda mo ba iyong Phoenix, Arizona sa lahat?

A: Oo, irerekomenda ko ang Phoenix, Arizona sa lahat sapagkat ito ay maganda ring pook na pasyalan. Karamihan sa mga tao doon ay Native Americans o American Indians dahil ang Arizona ay disyertong lugar. Marami ding Mexicano doon sapagkat ang Phoenix ay malapit na din sa boarder ng Amerika at Mexico. Maraming mga pagkain at putahe doon na may halong lutong Mexicano at ito ay maanghang. Kumakain din sila ng cactus at niluluto nila ito para sa pampagana, putahe, at mga matatamis. Ang mga tao sa Arizona ay mga palabati lalo na sa mga turista at panauhin.

Balik sa Pangunahing Pahina