ANG PAGLALAKBAY SA SALT LAKE CITY, UTAH, AMERIKA

Q: Gaanong kalayo ang Salt Lake City, Utah mula sa inyong pook sa Daly City, California?

A: Ah, ang Salt Lake City, Utah ay 743 na milyahe mula sa Daly City, California. Kung ikaw ay magmamaneho, ang oras ng paglalakbay ay 10 oras at 44 minuto samantala kung ikaw ay sasakay sa eroplano, ang oras ng paglalakbay ay tinatayang 1 1/2 na oras. Kung ikaw ay manggagaling sa West Coast Area, kailangan mong dumaan sa I-80 East, kung ikaw ay manggagaling sa East Coast Area, kailangan mong dumaan sa I-80 West, kung ikaw ay manggagaling sa Northern Area, kailangan mong dumaan sa I-15 South, at kung ikaw ay manggagaling sa Southern Area, kailangan mong dumaan sa I-15 North. Ang Highway I-80 at I-15 ay magsasalubong sa Salt Lake City sa may downtown area.

Q: Narinig namin na ang Salt Lake City, Utah ay isa sa pangunahing pook sa Amerika, at bakit?

A: Ang Salt Lake City, Utah ay isa sa pangunahing pook sa Amerika kahit napapaligiran ito ng disiyerto sapagkat hindi lamang ito ang kabisera ng Utah, dahil sa may mga magagandang tanawin tulad ng Great Salt Lake, Temple Square at iba pa. Ang Salt Lake City, Utah ay naging host sa 2002 Olympics.

Q: Anu-ano ang mga magagandang tanawin sa Salt Lake City, Utah?

A: Ang mga magagandang tanawin sa Salt Lake City, Utah ay ang mga sumusunod na napuntahan namin:

Q: Kung may mga magagandang tanawin sa Salt Lake City, Utah, nagpunta ka ba doon at kailan?

A: Oo, nagpunta ako sa Salt Lake City, Utah noong Agosto 30 hanggang Setyembre 1, 2008 sa pamamagitan ng pagmamaneho ko ng malayo kasama ko pati ang nanay ko. Ang tatay ko at mga kapatid ko ay dapat ding nakasama sa paglalakbay pero hindi sila makasama dahil ang dalawa kong kapatid ay may pasok sa trabho ng lingguhan at piyesta opisyal, ang isa ko pang kapatid ay pumunta sa Las Vegas, Nevada kasama ang kanyang asawa, anak, at ang pinsan ko. Kailangang mapasyal ang pinsan ko hangga't maaari sapagkat siya ay uuwi sa Pilipinas anumang oras. Masama ang pakiramdam ng tatay ko at kailangan niyang magpahinga sa bahay. Umalis kami sa Suisun City, California noong Agosto 30, 2008 bandang 8:00 ng umaga at dumating kami sa Salt Lake City, Utah bandang 10:00 ng gabi. Napansin namin sa Utah, na ang kanilang oras ay 1 oras na dagdag mula sa California, ibig sabihin nito ay nakatawid na kami sa Mountain Time Zone. Nag-check-in kami sa Super 8 Motel na malapit sa State Capitol ng Utah ng dalawang gabi. Noong Agosto 31, 2008, naglakbay kami ng buong araw na may pagkukuha ng larawan, siyempre. Naghanda ng pagkain namin ang nanay ko at kumain kami sa loob ng motel at sa loob din ng kotse kapag nahihinto kami. Nakatipid kami sa paglalakbay sa pamamagitan ng hindi kami kumain sa mga restaurant dahil mahal din ang mga pagkain doon. Gumasta lang kami sa gasolina at sa motel. Noong Setyembre 1, 2008, Araw ng Manggagawa sa Amerika, umalis na kami sa Salt Lake City, Utah bandang 9:00 ng umaga at dumating kami sa Suisun City, California bandang 10:00 ng gabi.

Q: Kamusta ang panahon diyan sa Salt Lake City, Utah?

A: Ah, ang temperatura diyan ay 95F kapag sa araw at 80F kapag sa gabi tuwing panahon ng tag-araw. Umuulan din doon habang naglalakbay kami noong Agosto 30, 2008 hanggang Setyembre 1, 2008 lalo na sa hapon hanggang sa gabi pero maganda naman ang paglalakbay namin sapagkat marami na kaming mga pook na napasyalan na nakaya namin. Wala kaming dalang payong habang kami ay namamasyal kaya kami ay nabasa sa ulan. Kapag panahon ng taglamig, ang buong State ng Utah ay natatakpan ng makapal na snow and ito ay napakalamig. Ang State ng Utah ay pangunahin ding pook sa ice skating at skeeing.

Q: Ano ang pinagkaibahan ng mga tao sa California sa mga tao sa Utah?

A: Ang mga tao sa Utah ay nakapa-approachable at palakaibigan din kagaya ng mga tao sa California. Ang Utah hindi magulong pook hindi tulad sa California pero karamihan sa mga tao sa Utah ay mga puti at tubong Indians. Ang mga tao sa Utah ay karamihan mga Mormons lalo na sa Salt Lake City sapagkat ang kanilang pangunahing tanggapan at simbahan ng Mormons ay matatagpuan doon. Kahit papaano, gusto ko ang mga tao sa Utah sapagkat sila ay napaka-approachable lalo na sa mga panauhin na manggagaling pa ibang state at sa ibang bansa pati.

Q: Irerekomenda mo ba iyong Salt Lake City, Utah kahit kangino?

A: Oo, Irerekomenda iyong Salt Lake City, Utah kahit kangino para puntahan din nila sapagkat ang pook na iyon ay maganda din. Kung ikaw ay pupunta sa panahon ng taglamig, kailangan mong maglagay ng snow chain o snow tire sa iyong kotse sapagkat ang mga daan at freeway doon ay masyadong madudulas at may batas sa Utah na kailangang maglagay ng snow tires o snow chain sa iyong kotse.

Balik sa Pangunahing Pahina